Ang online trading platform na MetaTrader 5, o karaniwang kilala bilang MT5, ay ang kahalili ng kilalang MetaTrader 4 (MT4). Sa paglipas ng mga taon, namuhunan ang MetaQuotes sa patuloy na pagpapaunlad, pagsubok at mga pagpapabuti, na siyang nakatulong na gawin ang MT5 ang pinakamakabago at inobatibong trading platform sa buong mundo na may mga pinalawak na posibilidad. Dinadala ng MetaTrader 5 (MT5) ang sikat na charting package at ang mga awtomatikong posibilidad sa pangangalakal sa panibagong antas. Ang lahat ng tampok na naging dahilan kung bakit paborito ng lahat ang MetaTrader 4 (MT4) ay minintina at in-upgrade sa mas sopistikadong back end infrastructure na kayang suportahan ang pangangalakal sa iba’t-ibang instrumento mula sa magkakaibang klase ng asset.

Habang nagbibigay ng pinagandang karanasan sa pangangalakal, pinahihintulutan ng MT5 ang mga kliyente ng BDSwiss na kumalakal ng napakaraming bilang ng mga instrumentong CFD mula sa magkakaibang klase ng asset tulad ng mga pares ng currency, sapi, kalakal, aksyon, indise, ETF at cryptocurrency—lahat sa iisang platform na may iba’t-ibang pagsasaayos, walang restriksyon sa estratehiya*, minimum na slippage at napakabilis na pagsasagawa ng order.

* mangyaring tandaan na ipinagbabawal ang anumang klaseng pangangalakal na mapag-abuso